Dyok Onli! - (es..KWELA..han)

PROBLEMA

Ang bawat problema may katapat na solusyon,
kapag walang solusyon... h'wag mong problemahin! Ok?

GRADES KO

Student: "Sir, kamusta po grades ko?"
Teacher: "Aba iha, maganda!"
Student: "Wow! talaga po, sir?"
Teacher: "Oo, iha, maganda. Parang hair mo, BAGSAK!!!"

MUNTIK NA!

Isang anak excited na umuwi mula sa school...

Anak:  Tay! tay!
Tatay: O anak bakit?
Anak:  Tay! Muntik na kong maging top 1 sa klase!
Tatay: Talaga anak??? sayang naman!
Anak:  Oo nga po 'tay. Nung ituro ng titser ko ung top 1, katabi ko lang! muntik na ko 'tay!

WALANG ISTORYA

Isang eksena sa library

Lalaki:     Isasauli ko na ung libro nyo. Walang kwenta! Puro karakter lang, walang istorya!
Librarian: Aha! Ikaw pala kumuha ng directory!

KATUWIRAN

Umuwi ang isang estudyante galing ng eskwelahan at gutom na gutom.
Nagpunta agad sa kusina. Habang kumakain...

Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak:   Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka po. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!

hehe! ...h'wag gayahin. c",)

HULI NA 'TO!

Imagine, kung nasa third floor ng BEZ Admin. building ang Softnet, mangyari din kaya ito... panoorin!

Reminder: Bawal tumawa mag-isa habang naka-headset ka... baka mapagkamalan kang nababaliw na. hehe! ...kaya i-share mo na. Ü